Ang team na ito ay walang may-ari. Para ito sa lahat.
Ito ay itinayo ni JULIE CRISTY S. ORDIZ. Siya ay 23 yrs. old pa lamang. Isa siyang registered nurse. Nung bata pa siya, pangarap na niyang makapagtapos ng magandang kurso para makakuha ng magandang trabaho na may malaking sweldo. Sa isip niya, "sa edad ka na 50, titigil na ako sa pagtatrabaho at inenegosyo ko na lang ang naipon kong pera."

Nung nakita niya ang pangalan niya sa mga pumasa sa kursong nursing, may halong takot ang nadarama niya. Eh kasi naman kumuha siya ng pambansang kurso. Sa isip niya, sa call center na lang ako magtatrabaho.Pero dahil sa wala naman siyang pera para lumuwas ng Maynila, ilang buwan siyang walang trabaho. Hanggang sa isang araw, natauhan na lamang siya at sinabi niya sa sarili niya na, "bat pa ako maghihintay na maging 50 yrs.old para magnegosyo? Bat di ko na lang simulan ngayon?"

Saan siya kumuha ng capital? Ang sikreto?
Napansin niyang usong-uso ang online business. Kaya yun naghanap siya ng mga murang binebenta sa internet at niresell lang niya. Wala siyang capital kasi nagdodown yung umuorder niya, yung dinown, yun yung perang ginamit niya sa pagbili. Kaya yun.

Hindi lang dun nagtapos, sa naipon niyang pera sumali siya sa kung anu-anong networking. Dahil patok na man talaga yun. Nagbabuy and sell din siya at kung anu-ano na lang.

Sa ngayon, di pa naman siya mayaman. Wala naman siyang kotse at cheke na pinapakita sa inyo, di naman kasi materyal na bagay ang importante. Dapat patas lang. Kaya heto, ginawa niya itong site na ito para makatulong sa kapwa Pilipino.